Panggigipit sa mga Lumad binira ng lady solon
By Aries CanoJuly 14, 2015
Abante Online
Tinuligsa ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Luzviminda Ilagan ang nangyayaring panggigipit laban sa mga tagapagtaguyod ng kapakanan at karapatan ng mga katutubong Lumad.
Ayon sa lady solon, masyadong garapal ang paniniil kontra sa child rights advocates at human rights defenders na nangunguna sa kampanya para masagkaan ang militarisasyon sa mga eskuwelahan ng mga Lumad.
Maituturing aniyang political persecution at harassment ang mga binabalandrang kaso ng kidnapping at human trafficking laban sa mga tagapagtanggol ng mga Lumad.
Nabatid na kasama sa mga kinasuhan sina Gabriela Southern Mindanao Secretary General Mary Ann Sapar at Salinlahi Alliance for Children Secretary General Kharlo Manano.
Ang dalawang nabanggit na kinasuhan ay kapwa kaalyado ng Save Our Schools Network.
Bukod kina Sapar at Manano sinampahan din ng kaso sina Rev. Jurie Jaime, Sheena Duazo, Hanimay Suazo, Ryan Lariba, Tony Salubre, Jimong Marciano, Jaja Necosia, Pedro Arnaldo, Kerlan Fanagel, Sr. Stella Matutina, Sr. Restita Miles, Isidro Andao, Riuz Valle at iba pa.
Sinasabing pasimuno sa pagkakaso ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
“The CIDG specifically singled out activists involved in the campaign to demilitarize the Lumad schools. They accused activist leaders and child rights advocates of trafficking and kidnapping Lumad children and families who have evacuated to Davao City and in some instances, brought their appeal to save Lumad schools from being occupied and damaged by AFP elements to government offices in Manila. These acts do not constitute trafficking or kidnapping. The charges filed are ridiculous and totally baseless,” paghahayag ni Ilagan.
Pinaliwanag ng Gabriela solon na buwan ng Nobyembre ng nakalipas na taon nang iparating ng Save Our Schools Network ang pagdurusa ng mga katutubo sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Maliban dito, nagkaroon din, aniya, ng mga dayalogo sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at nagkaroon din ng pag-uusap sa pagitan ni Bishop Romulo Valles ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
No comments:
Post a Comment