Davao City - Dahil sa patuloy na panggigipit ng DepEd sa mga eskwelahan ng mga lumad, nagdesisyon ang mga tribo na magkampuhan sa harapan ng regional office ng DepEd sa Davao City. Sa unang araw ng kampuhan, wala pa ring paborableng desisyon o aksyong ibinigay si DepEd XI Regional Director Atty. Alberto Escobarte at Davao del Norte Superintendent Dr. Josephine Fadul. Kaya ipinanawagan ng mga katutubo ang kanilang pagbibitiw sa pwesto.
"Kay wala na man nagasunod si Escobarte ug si Fadul sa mandato sa DepEd nga diha sa paghatag sa serbisyo sa edukasyon, dapat magresign na sila diha sa DepEd", sabi ni Datu Tungig Mansumuy-at, tribal leader sa isa sa mga sitio na pinagpopondohan ngayon ng mga tropa ng gobyerno at tribal council leader ng Salugpongan Ta'Tanu Igkanogon. (Dahil hindi na sumusunod sina Escobarte at Fadul sa mandate ng DepEd sa usaping pagbibigay ng serbisyong edukasyon, dapat magresign na sila sa DepEd.)
Basahin ang kanilang petition dito.
No comments:
Post a Comment