Sa immersion ko kahapon sa mga bakwits ng Talaingod Manobo, nakita ko ang isang komunidad na nagkakaisang lumalaban para sa karapatan ng mga batang estudyante ng Talaingod dahil sa banta na tatanggalin ng militar ang kanilang mga eskwelahan. Patuloy tayong nagtatanong kung bakit ito pinayagan ng DepEd na mangyari. Ang mga eskwelahan ng Talaingod Manobo ay dumaan sa due legal process at DepEd accredited. Ngunit ngayon pinatatanggal na ito. Kapit bisig na itinayo noon ng mga Talaingod Manobo at ng Rural Missionaries of the Philippines ang mga eskwelahan. Dahil sa ginagawa ng militar hindi na makakapag-aral ang mga bata ng talaingod. TAKOT KASI SILA NA MAGING EDUKADO AT EDUKADA ANG MGA NAKATIRA SA PANTARON RANGE. Pag nakapasok ang minahan sa pantaron range, naku kayo na ang mag-imagine sa aftermath. Bilang estudyante ang daming pwedeng gawin, pwede magturo sa mga bata na nasa bakwit center. Bilang MAMAMAYAN NG PILIPINAS, ang pagbisita sa center ay napakalaking tulong sa mga bakwits. Mararamdaman nila na di sila nag-iisa sa pakikipaglaban nila sa pagsagip ng kanilang ESKWELAHAN.
SAVE OUR SCHOOLS! SAVE PANTARON RANGE!
Whendy
UP Mindanao student
No comments:
Post a Comment