Tuesday, June 9, 2015

PHOTOS - Davao artist visits bakwit, calls for more donations

Si Yana ay isang artist na bumisita kamakailan lang sa mga bakwit na Manobo. Heto ang kanyang reflection matapos ng kanyang bisita. Tingnan din ang ilang litrato na kuha niya.

Ang mga Lumad na nagmula sa Talaingod Davao del Norte ay lumisan sa kanilang komunidad noong 2014 upang takasan ang kahirapan sa bukid nang dumating ang mga sundalo sa kanilang komunidad at ngayon balik na naman sa pag-alsa-balutan sa parehong rason. Naging kampo ng 60th at 66th IB ang kanilang komunidad. Maging ang mga eskwelahan ng mga kabataang lumad ay hindi nakaligtas. Binantaan pa ng mga sundalo na susunugin nila ang mga paaralan ng Salugpungan Ta Tanu Igkanogun dahil ayon sa kanila ito ay pinatayo at pinapatakbo ng mga komunista. Dahil sa mga sunod-sunod na pagbabanta, napilitan ang mga estudyante at mga guro na ipagpaliban muna ang kanilang pagtatapos. Sa evacuation area na sila nakapag moving up o recognition/graduation. Iba din.. At dahil sa hindi mapigil na mga military operations, at ang mga sundalo ay nasa kanilang komunidad mismo, naging banta ito sa seguridad ng mga katutubo. Kaya ngayon sila ay nandito. Sa ngayon sila ay more or less 500 individuals at inaasahan pang madadagdagan sa mga sumusunod na araw.

Maaari po tayong makatulong sa kanila sa pag donate ng:
*damit
*pagkain
*laruan para sa mga bata
*gamit pang eskwela
*banig o kumot
*tsinelas
*gamot

Maaari rin silang bisitahin sa UCCP Haran Fr. Selga St. Davao City (kanto ng brokenshire hosp tapat ng wireless cementery)

Pls help and donate. Pls share too. Pls like and visit BAKWIT DIARIES

No comments:

Post a Comment