Wednesday, June 3, 2015

UP Mindanao biology majors express solidarity with the lumads

Apat na biology majors mula sa University of the Philippines Mindanao ang bumisita sa mga lumad. Ang mga Manobo ay lumikas mula sa iba't ibang barangay sa Pantaron Mountain Range dahil sa matinding militarisasyon. Matapos mapakinggan ang kwento ng ilang lider at estudyante, ito ang kanilang reaksyon:

Whendy: Kapag nakapasok na ang military ibig sabihin nito welcome na ang mga mining companies. If welcome na ang mga mining companies maapektohan ang mga rivers near the Pantaron range. These rivers are sources of water para sa mga taga Mindanao. Pantaron range din ang lugar kung saan nakatira ang mga Talaingod Manobo. Pero dahil may mga threats na tatanggalin ang kanilang schools nagbakwit sila dito ngayon sa Davao para makipag diyalogo sa mga kinauukulan. SAVE OUR SCHOOLS! SAVE PANTARON!

Omid: We visited again the Talaingod Manobo evacuees to interview some students of the Salugpongan Ta Tanu Igkanugon to learn what we can teach for the ALSA project.

Hindi pa makakabalik ang mga estudyanteng ito sa Talaingod dahil nandoon parin ang banta ng mga militar, kaya hindi pa sila makakaaral. So para naman maging educational yung stay nila sa evac center, we will be having the ALSA project to teach basic science lessons that will be beneficial as they go back to their community.

Datu Benito educated us with the current situation of their schools, organization (Salugpongan), and their community in general.

We are still looking for volunteers for the ALSA project. END MILITARY ATTACKS! SAVE OUR SCHOOLS! SAVE TALAINGOD! SAVE PANTARON!

Ang ALSA o Alternative Science Academy ay isang proyektong naglalayong itaas ang siyentipikong kultura sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang kanilang website.


No comments:

Post a Comment