Dear Diary,
Heto ang ilang larawan mula sa kagaganap na 8th Moving-up & Recognition Ceremonies ng MISFI Academy sa Sitio Muling, Barangay Gupitan, Kapalong, Davao del Norte. Ginanap ang seremonya dito sa Davao City dahil hindi sila pinayagan ng mga militar at paramilitar (Alamara) na gawin ito sa kanilang Barangay. Eskwelahan daw ito ng NPA. Ang mga guro daw ay mga NPA. Ang gusto pa ng Alamara ay sunugin na ang kanilang eskwelahan para hindi na ito magbubukas sa susunod na taon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawa ng MISFI Academy ang enrollment sa Barangay Gupitan dahil sa pananakot ng grupong Alamara na sinusuportahan at inaarmasan ng Armed Forces of the Philippines.
Ang mga larawang ito ay kuha ng isang IP rights advocate na magkahalong natutuwa, nalulungkot, at nagagalit sa patuloy na pandarahas ng mga militar (60th IB) at paramilitar na Alamara sa nasabing eskwelahan.
Sa nagbabasa nito, sana makatulong ka sa mga batang Manobo sa Kapalong para sa pagtupad nila ng kanilang mga pangarap.
Baka may mga tanong ka at gusto mo tumulong. Sulatan mo lang ako sa bakwitdiaries at gmail dot com at sabay nating tulungan ang mga lumad sa Kapalong.
Nangangarap,
Che
PS. Marami pa akong kwento tungkol sa mga lumad na nagbakwit dito sa Davao City dahil sa militarisasyon sa kanilang komunidad at eskwelahan. Sana handa kang marinig sila.
No comments:
Post a Comment