Monday, May 25, 2015

Tagos sa puso ang nasaksihan ko ngayong araw

Dear Diary,

Heto po ang isa pang kwentong pinadala sa atin tungkol sa Moving-Up na nabanggit sa naunang kwento.

Sa nagbabasa nito, sana makatulong ka sa mga batang Manobo sa Kapalong para sa pagtupad nila ng kanilang mga pangarap.

Baka may mga tanong ka at gusto mo tumulong. Sulatan mo lang ako sa bakwitdiaries at gmail dot com at sabay nating tulungan ang mga lumad sa Kapalong.

Nangangarap,
Che

PS. Marami pa akong kwento tungkol sa mga lumad na nagbakwit dito sa Davao City dahil sa militarisasyon sa kanilang komunidad at eskwelahan. Sana handa kang marinig sila.



Ang recognition rites o ceremony ay isang mahalagang event sa bawat magulang, guro at mga mag-aaral. Parang lisensya ito para makapag move on ka sa next level.

Marami na rin akong napuntahang mga moving up recognition exercise ngunit tagos sa puso ang nasaksihan ko ngayong araw na ito. Ginanap ang 8th Moving UP Recognition Rites ng MISFI Academy sa Davao City ng mga bata at nanay na Ata Manobo mula ng Kapalong Kinder to Grade 5 at mga nanay na nakapag tapos ng Literacy Numeracy Program level 1 at level 2.

Iba't ibang emosyon ang aking naramdaman. Pinipilit kong ikubli ang aking mga luha, luha ng tuwa, poot, galit, lungkot at paglaban.
Tuwa dahil sa wakas makakapag daos narin ng seremonyas ang akademya ng MISFI para sa mga bata at nanay.

Galit kung bakit kinakailangan pa na maghanap ng ibang lugar ang akademya para makapagdaos lang ng ganitongseremonyas na maari naman nilang idaos ito sa kanilang lugar ngunit ayaw payagan ng mga sundalo na nasa 60th IB at ng mga Alamara na idaos ito at nagbanta pa na tatadtarin ang sino mang magtatangkang sumuway sa kagaustuhan nila.

Hindi sila pinayagan ng mga sundalo na nasa 60th IB at ng mga Alamara na idaos ito, nagbanta pa na tatadtarin ang sino mang magtatangkang sumuway sa kagustuhan nila.

Noong sabado May 23 kinakailangan naming irescue ang mga magulang at bata para lang makababa sa Davao City para sa kanilang moving up, ilang kilometro ang kailangang lakarin 2 araw na lakaran at mahigit 5 oras na byahe mula sa pinag reskyuhan namin papuntang Davao City dahil hinaharangan sila ng mga sundalo at alamara sa takot nagtago sila sa gilid ng bangin at kung saan para di sila makita.

Ang edukasyon ay isang karapatan ngunit atin itong pinaglalaban at dinidepensahan. Sinasabi natin na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Walang serbisyong pang edukasyon ang nakakarating sa mga komunidad ng mga lumad kaya't nagsumikap ang bawat magulang, bata at ibat ibang institusyon na magtayo ng paaralan, ngunit kahit ang mga paaralan na mga ito ay hindi pinalalagpas ng pasismo ng estado.

Ang edukasyon ay isang kayamanan na sa bawat pilipino ay napaka ilap. Parang bituin sa langit sa kalangitan na hanggang tanaw lang ang karamihan minsan nariyan madalas nawawala pag may unos na paparating. Ngunit pagkatapos ng unos sumisikat ang araw na nagbibigay sa atin ng pag-asa.

"Nagpasalamat kami sa among mga titser nga bisag ginahasi sa mga sundalo nagpabilin gihapon sa among eskwelahan. Gusto namo makahuman sa among pag eskwela mao nang gusto namo pahawaon na ang mga alamara para maka adto pa ang mga titser namo sa among eskwelahan ug dili kini magsara" .... Talumpati ng isang grade 5 na estudyante ng MISFI ACademy.

No comments:

Post a Comment